Mito
Tata
Tasyo
Sa
isang liblib na lugar , may isang mag-anak na tahimik at masayang
nabubuhay. Dahil sa malapit sila bundok, nabubuhay sila sa mga
bungang kahoy at mga hayop na nahuhuli nila. Malapit sa kinatitirahan
ng kanilang bahay ay may matatagpuan ang isang malinis na batis na
pinaninirahan ng mga iba’t ibang Isda. Sinasabing sa batis na ito
ay may nainirahang Diyosa kaya maraming isdang naninirahan at
napapanatili ang kalinisan nito.
Isang
araw, habang namimingwit si Tata Tasyo ay nagulat na lamang siya nang
maglipatan at maglitawan ang mga isdang nahuhuli batis. Dali-daling
umuwi si Tata Tasyo sa kanilang bahay at kumuha ng lalagyan. Umuwi si
Tata Tasyo na maraming nahuling isda sa kanilang bahay. Dahil doon ay
araw-araw nang nagbalik-balik ang matanda sa batis para manghuli ng
isda. Araw-araw ding marami siyang nahuhuling isda.
Hanggang
sa isang araw, habang namimingwit si Tata Tasyo, nagpakita sa kanya
ang isang napakagandang babae na nakaupo sa tabi ng batis na parang
pinapanood siya. Pagkakita niya sa babae ay nawala rin agad. Napaisip
si Tata Tasyo kung sino ang kanyang nakita, hindi niya naisip na ang
babaeng kanyang nakita ay ang Diyosa ng batis-Diyosa Marikit.
Mula
noon nakita ng matanda ang babae sa batis ay nabawasan nan g
unti-unti ang kanyang huli sa araw-araw. Hanggang sa isang araw ay
umuwi si tata Tasyo na wala kahit isang isdang huli. Dahil dito ay
nagulat ang kanyang mag-anak. Araw-araw ay nagpabalik-balik si Tata
Tasyo sa batis ngunit gaya pa rin ng nagdaang araw wala parin siyang
nahuhuli khit ni isang isda.
Isang
araw, bumalik ulit si tata Tasyo sa batis hindi para manghuli ng isda
kundi humingi ng tawad kay Diyosa Marikit sa pang-aabusong ginawa at
magpasalamat sa mga masaganang huli sa mga araw na nagdaan. Dahil sa
paghingi niya ng tawad at pagpapasalamat ay nasiyahan si Diyosa
Marikit. At dahil doon ay binigyan ulit ni Diyosa Marikit si Tata
Tasyo ng masaganang huli at mula noon ay naging magkaibigan na rin
ang dalawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento