Miyerkules, Pebrero 27, 2013

modyul





HALINA’T PASYALIN NATIN ANG KAHARIAN NG MGA PANGATNIG





Para Saan Ang Modyul na Ito?



Pinagpalang araw sa iyo!




Ang modyul na ito ay nakalaan para sa iyo. Upang ika’y matuto. Ito ay inihanda upang mapag-aralan mo ang iba’t ibang uri ng pag-ugnay. Ang modyul na ito ay naglalaman ng ilang aralin, pagsasanay at pagsubok upang palawakin at pagyamanin ay iyong kaisipan at kaalaman tungkol sa paksa. Ito ay makakatulong sa iyo habang ika’y patuloy sa pagtahak ng iyong landas. Ito rin ay magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral upang magkaroon ka ng sapat na kahandaan sa tamang paggamit at pagbuo ng pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng panaguri.

Anu-ano Ang Dapat Isaalang-alang Sa Paggamit ng Modyul na Ito?

Magiging gabay mo ito para sa iyong sariling pagkatuto. Ito ay magsisilbing instrumento mo para sa mas malawak na pag-unawa sa aralin. Upang maging makabuluhan at maayos ang paggamit nito, marapat lamang na, malinaw at maintindihan mo ang mga tuntuning dapat mong sundin.

  1. Batay sa dati mo nang napag-aralan ukol sa paksa, sagutin mo nang tama at tapat ang Panimulang Pagsubok .o ang bahaging Alalahanin Mo Ang Nakaraan. Tunguhin nitong masukat at malaman kung gaano at kalawak ang iyong kaalaman sa paksa.



  1. Sa tulong ng Susi sa Pagwawasto, kayang-kaya mong iwasto ang iyong mga sagot sa lahat nang ibibigay kong pagsubok. Huwag kang malulungkot kung magkakaroon ka nang maraming mali sapagkat parte lamang iyan ng iyong pagkatuto. Marami kang pwedeng sagutin na mga gawain kaya natitiyak kong makababawi ka rin sa huli.



  1. Ang mahalaga ay maunawaan, maintindihan at mapag-aralan mo nang mabuti ang aralin o paksa. Upang mas epektibo at malinaw ang iyong pagsagot sa mga gawain, marapat lamang na intindihin at pag-aralang mabuti ang mga panuto. Ito ang magsisilbing gabay mo sa pagsagot ng tama sa mga gawain at pagsasanay.



  1. Upang maging tama at wasto ang iyong mga sagot sa lahat ng pagsasanay, dapat lang na masusi ang pag-unawang isasagawa mo sa mga aralin ukol sa paksa. Panatilihing bukas ang iyong isipan sa lahat ng aralin upang sa gayon ay lubos na maunawaan mo ang mga ito.
  2. Upang maisakatuparan mo ang iyong layuning mapag-aralan ang tungkol sa paksa, isipin at alalahanin mo kung nadagdagan nga ba ang iyong karunungan at kaalaman. Maglaan ng sapat na oras para sagutin ang Pangwakas na Pagsusulit. Huwag mong kalimutan na iwasto ang iyong mga sagpot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto. Isaalang-alang na ang gagawin mong pagwawasto ay tama at tapat.
  3. Tungkulin mong pangalagaan at ingatan ang modyul na ito upang hindi masira. Sa hinaharap, magagamit mo ito at magiging gabay sa patuloy na pag-aaral. Ituring mo itong parang kapamilya.
  4. Huwag kang maging padalus-dalos sa pagsagot ng mga tanong, basahin ng mabuti ang mga ito bago mo ilaan ang iyong mga sagot.
  5. Sa pagsagot ng mga tanong, tiyaking nasa kondisyon ang iyong pag-iisip at walang ibang hadlang nang sa gayon ay maiwasan ang pag-aalinlangan sa pagsagot ng mga katanungan.





Ano ang Pag-aaralan Mo Sa Modyul Na Ito?

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, magagawa mong:

  • malaman kung ano ang pangatnig
  • makilala ang dalawang pangkat ng pangatnig

  • yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit
  • yaong nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit

  • matukoy ang maliliit na dibisyon ng pangatnig

- pangatnig na pamukod

- pangatnig na paminsay o panalungat

- pangatnig na panubali

- pangatnig na pananhi

- pangatnig na panlinaw

  • magamit nang wasto ang pangatnig sa pangungusap



















Alalahanin mo ang Nakaraan



Bago mo tuluyang pag-aralan ang modyul na ito, kinakailangan mong gawin ang pagsasanay na ito. Ito ay magiging sukatan kung gaano kalawak ang iyong kaalaman sa paksa.

PAUNANG PAGSUBOK

  1. Subukin at Tukuyin

Panuto: Tukuyin at bilugan ang lahat ng pangatnig na ginamit sa diyalogo. Ang diyalogo ay naglalaman ng labinlimang pangatnig.



Ang Bansang Japan



Marina: Kayganda pala ng Tokyo at kay linis pa rito. Lahat ng kalye at pampublikong pasyalan ay malinis din. Ano kayang ginagawa ng mga babaeng iyon sa dalisdis ng burol?

Mang Tomas: Sila ay namimitas ng mga dahon ng tsaa. Iyan ang iniinum ng mga Hapon ngunit ang iba ay ipinagbiili nila sa ibang bansa.

Marina: Makukulay ang kanilang kasuotan, ano? Pero, di ba sila naiinitan sa damit nila?

Mang Tomas: Hindi naman dahil sapat lang ang klima rito sa Japan. Nakakimono sila subalit marami ring nagsusuot ng ganyang mga damit tulad ng mga taga- kanluran.

Marina: Marami rin palang tao rito.

Mang Tomas: Maliit lamang ang lupain ng Japan ngunit napakaraming naninirahan kaya sila ay may mga industriyang pantahanan.

Marina: Sana’y ang kanilang mga tahanan ay simple lang gaya nang sa atin.

Mang Tomas: Karamihan sa mga bahay dito ay yari sa papel o manipis na tabla. Naniniwala sila sa paniniwalang minimalism, kaya naman mababatid na ang kanilang tahanan ay walang maraming disenyo at kagamitan.

Marina: May nabalitaan din ako, Mang Tomas. Kapag nagdarasal ang mga Hapones ay mataimtim palibhasa’y ang nasa isip nila’y kasa-kasama lang nila ang kanilang mga ninuno.

Mang Tomas: Tama ka diyan. Alam mo bang may seremonya sila sa paggawa ng iinuming tsaa? Napakatagal ng proseso ng kanilang seremonya sapagkat nangangailangang walang ingay na dapat likhain ang tea master.

Marina: Napakagaling naman! Magkaibang-magkaiba ang ating bansa kung ikukumpara natin sa bansang Japan. Bagaman kahit hindi kasinlinis ng mga Pilipino ang mga Hapones, masasabi kong mas masaya pa rin ang maging Pilipino.



  1. Pag-isipan at Gawain

Panuto: Isulat sa patlang ang mga pangatnig na ginamit ayon sa kinabibilangan nitong pangkat. Lagyan naman ng tsek ( ) kung ang mga pangatnig na ito’y kabilang sa pangatnig na pamukod, paninsay o panalungat, panubali, pananhi o panlinaw.



Yaong Nag-uugnay ng Magkatimbang na Yunit
Pamukod
Paninsay o Panalungat
Panubali
Pananhi
Panlinaw




































































Yaong Nag-uugnay ng Di- magkatimbang na Yunit
Pamukod
Paninsay o Panalungat
Panubali
Pananhi
Panlinaw























































































Para malaman ang wasto at tiyak na kasagutannsa Paunang Pagsubok, narito sa ibaba ang mga tamang sagot.















SAGOT SA PAUNANG PAGSUBOK



Ang Bansang Japan



Marina: Kayganda pala ng Tokyo at kay linis pa rito. Lahat ng kalye pati pampublikong pasyalan ay malinis din. Ano kayang ginagawa ng mga babaeng iyon sa dalisdis ng burol?

Mang Tomas: Sila ay namimitas ng mga dahon ng tsaa. Iyan ang iniinum ng mga Hapon ngunit ang iba ay ipinagbiili nila sa ibang bansa.

Marina: Makukulay ang kanilang kasuotan, ano? Pero, di ba sila naiinitan sa damit nila?

Mang Tomas: Hindi naman dahil sapat lang ang klima rito sa Japan. Nakakimono sila subalit marami ring nagsusuot ng ganyang mga damit tulad ng mga taga- kanluran.

Marina: Marami rin palang tao rito.

Mang Tomas: Maliit lamang ang lupain ng Japan ngunit napakaraming naninirahan kaya sila ay may mga industriyang pantahanan.

Marina: Sana’y ang kanilang mga tahanan ay simple lang gaya nang sa atin.

Mang Tomas: Karamihan sa mga bahay dito ay yari sa papel o manipis na tabla. Naniniwala sila sa paniniwalang minimalism, kaya naman mababatid na ang kanilang tahanan ay walang maraming disenyo at kagamitan.

Marina: May nabalitaan din ako, Mang Tomas. Kapag nagdarasal ang mga Hapones ay mataimtim palibhasa’y ang nasa isip nila’y kasa-kasama lang nila ang kanilang mga ninuno.

Mang Tomas: Tama ka diyan. Alam mo bang may seremonya sila sa paggawa ng iinuming tsaa? Napakatagal ng proseso ng kanilang seremonya sapagkat nangangailangang walang ingay na dapat likhain ang tea master.

Marina: Napakagaling naman! Magkaibang-magkaiba ang ating bansa kung ikukumpara natin sa bansang Japan. Bagamat kahit hindi kasinlinis ng mga Pilipino ang mga Hapones, masasabi kong mas masaya pa rin ang maging Pilipino.









SUSI SA PAGWAWASTO



Yaong Nag-uugnay ng Magkatimbang na Yunit
Pamukod
Paninsay o Panalungat
Panubali
Pananhi
Panlinaw



at









o









maging









subalit









pati









ngunit












Yaong Nag-uugnay ng Di- magkatimbang na Yunit
Pamukod
Paninsay o Panalungat
Panubali
Pananhi
Panlinaw




dahil









kaya









sana









kapag









palibhasa









sapagkat









bagamat









Kung


































Linangin ang Iyong Kaisipan



Upang lubos na malaman mo ang kahulugan ng pangatnig at ang dalawang pangkat nito, basahin at pag-aralan mong mabuti ang paglalahad tungkol sa paksa.



Aralin 1

PANGATNIG AT ANG DALAWANG PANGKAT NITO

Ang pangatnig ay sangkap o bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit upang gawing malinaw o mayaman ang diwa ng pangungusap. Halimbawa, sa pangungusap na:

Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay puspusang isinasagawa ng mga tagapagpatupad ng batas.

ang at ay pangatnig na nag-uugnay sa mga salitang bisyo at krimen. Sa pangungusap namang:

Ang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng mga gulay ay mabisang pang-agdong sa kinikita.

ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga pariralang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng mga gulay. At sa pangungusap namang:

Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang puso nito.

ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng dalawang sugnay. Ang unang sugnay ay Ang ama ang haligi ng tahanan. Ang ikalawang sugnay ay ang ina ang puso nito.

May dalawang panlahat na pangkat ang pangatnig. Una, ang yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit. Ikalawa, ang yaong nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit.

Sa unang pangkat kabilang ang mga pangatnig na: at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, habang, subalit at bagamat. Halimbawa, sa pangungusap na:

Maging kayo, maging ang doktor ay walang karapatang pumatay sa sanggol sa inyong sinapupunan.

Maginhawa ang buhay ng maliit na pamilya habang ang pamumuhay ng malaking pamilya ay mahirap.

Ang ginamit na mga pangatnig sa una at ikalawang pangungusap ay maging at habang. Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa.

Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang mga pangatnig na: kung, bago, upang, kapag o pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana atbp. Halimbawa, sa pangungusap na:

Walang kasalanang di mapapatawad ng Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.

Ispiritwal at material ang pangangailangan ng tao sapagkat ito ay binubuo ng katawan at kaluluwa.

Ang ginamit na pangatnig sa una at ikalawang pangungusap ay kung at sapagkat. Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang. Ang ibig sabihin ay pantulong lamang ang isang sugnay. Nasa unahan ng sugnay na pantulong ang pangatnig na ito.

Ngayong natuklasan mo na ang tungkol sa pangatnig ang dalawang pangkat nito, bibigyan kita ng isang maikling pagsasanay sa Subukan Mo sa susunod na pahina.

























Subukan mo!!!!



  1. Gawain at Pagyamanin

Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang pangatnig na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang bago ang numero ang MY kung ang pangatnig na ginamit ay magkatimbang nay unit at DM kung ito naman ay di-magkatimbang nay unit.



____ 1. Sundin mo ang mga utos ng Diyos upang magtamo ka ng biyaya sa langit.

____ 2. Mga relihiyoso ang mga anak, palibhasa’y mga relihiyoso rin ang mga magulang.

____ 3. Ang wastong dami at wastong uri ng pagkain ay nagdudulot ng kalusugan.

____ 4. Sana’y di mo nilimot na ang pagsisisi ay nasa huli.

____ 5. Ang mabuting pagpapalaki sa mga anak pati ang wastong pangangalaga sa kalusugan

ay dalawang dahilan kung bakit dapat magplano ng pamilya.



____ 6. Ang pag-inom ng pildoras saka ang ritmo ay dalawang paraan ng pagpaplano ng

pamilya.



____ 7. Ritmo lamang ang maaari mong gamitin kung ikaw ay Katoliko.



____ 8. Ang isang nagpipildoras ay dapat sumanggani agad sa doctor kapag mayroon siyang

naramdamang pagbabago sa katawan.



____ 9. Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung napakalaki ng inyong pamilya.



____ 10. Marami na sa ating mga kababayan ang nakauunawa sa pagpaplano ng pamilya dahil

sa puspusang pagpapalaganap ng pamahalaan ng impormasyon tungkol dito.



Tignan ang mga sagot sa susunod na pahina upang iwasto ang iyong mga sagot.











SUSI SA PAGWAWASTO



DM 1. Sundin mo ang mga utos ng Diyos upang magtamo ka ng biyaya sa langit.

DM 2. Mga relihiyoso ang mga anak, palibhasa’y mga relihiyoso rin ang mga magulang.

MY 3. Ang wastong dami at wastong uri ng pagkain ay nagdudulot ng kalusugan.

DM 4. Sana’y di mo nilimot na ang pagsisisi ay nasa huli.

MY 5. Ang mabuting pagpapalaki sa mga anak pati ang wastong pangangalaga sa kalusugan

ay dalawang dahilan kung bakit dapat magplano ng pamilya.



MY 6. Ang pag-inom ng pildoras saka ang ritmo ay dalawang paraan ng pagpaplano ng

pamilya.



DM 7. Ritmo lamang ang maaari mong gamitin kung ikaw ay Katoliko.



DM 8. Ang isang nagpipildoras ay dapat sumanggani agad sa doktor kapag mayroon siyang

naramdamang pagbabago sa katawan.



MY 9. Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung napakalaki ng inyong pamilya.



DM 10. Marami na sa ating mga kababayan ang nakauunawa sa pagpaplano ng pamilya dahil

sa puspusang pagpapalaganap ng pamahalaan ng impormasyon tungkol dito.

























ARALIN 2 ANG LIMANG DIBISYON NG PANGATNIG



Ang mga pangatnig ay mauuri sa maliliit na dibisyon. Una, ang pangatnig na at, man, o, ni at maging ay nag-uugnay ng mga salita sa kapwa salita.

Halimbawa:

mabait at masipag ikaw o siya

bago man o luma ni ako, ni ikaw

Ikalawa, ang pangatnig na paninsay o panalungat. Ang pangatnig na ngunit, subalit, datapwat, habang, samantala at bagamat ay pinag-uugnay ang dalawang kaisipang magkasalungat.

Halimbawa:

Sinabi kong matulog na siya subalit naglalaro pa siya.

Ikatlo, ang pangatnig na panubali. Ang pangatnig na kapag, kung at pag ay iniuugnay nito ang isang kaisipan sa isa pang kaisipang may hinihinging kondisyon ang pagiging ganap.

Halimbawa:

Sasama ako sa iyo kapag hindi uulan.

Ikaapat, ang pangatnig na pananhi. Ang pangatnig na dahil sa, sapagkat, kasi at palibhasa ay pinag-uugnay ang sanhi o dahilan sa pangyayari o ikinilos.

Halimabawa:

Masaya siya dahil dumating ang kaniyang kaibigan sa kaniyang party.

At ang ikalima, pangatnig na panlinaw. Ang pangatnig na kaya, kung gayon, sana, upang at para ay pinag-uugnay ang bunga o kalalabasan ng isang kilos.

Halimbawa:

Mag-ehersisyo ko para lumakas.

Ngayong nalaman mo na ang limang dibisyon ng pangatnig, nais kong bigyan ka ulit ng isang pagsasanay sa susunod na pahina.







Subukan Mo!!!

  1. Pag-isipan at tiyakin

Panuto: Piliin at salungguhitan ang tamang pangatnig na nauukol sa pangungusap upang mabuo ang tambalan at hugnayang pangungusap.



  1. Nag-iipon ng pera si Norita. Bibili siya ng sapatos. (kaya, dahil)
  2. Sasama si Joel sa ekskursiyon. Nakaipon siya ng pera. (sapagkat, ngunit)
  3. Nag-aaral nang mabuti si Joana. Makakuha ng mataas na marka. (para, samantala)
  4. Masipag si Susan. Magalang pa. (o, at)
  5. Matatapos na ang parangal. Wala pa siya. (kapag, ngunit)
  6. Nakikinig ng musika si Reus. Nag-aral siya. (samantala, habang)
  7. Hinahanap ko ang nawawala kong tuta. Hindi ko matagpuan. (subalit, kaya)
  8. Pinakamahusay siyang sumulat ng pangulong tudling. Nabigyan siya ng tropeo. (kapag, kaya)
  9. Magiging malinis an gating barangay. Lahat tayo ay magtulong-tulong. (kung, kasi)
  10. Walang mahirap na gawa. Dinaan sa tiyaga. (upang, kapag)




  1. Tukuyin ang limang maliliit na dibisyon ng pangatnig na ginamit sa mga parirala. Isulat sa patlang ang PM kung ito ay pangatnig na pamukod, PN kung paninsay o panalungat, PB kung panubali, PH kung pananhi at PL kung ito naman ay panlinaw.




________ 1. palibhasa’y ampon lang

________ 2. yumaman ka dahil sa negosyo

________ 3. maging sino ka man

________ 4. tuliro ka kaya ganyan

________ 5. kapag maibalik ko lang

________ 6. kung iiwan ka

________ 7. sasama o maiiwan

________ 8. habang gising ka pa ayusin mo na iyan

________ 9. kapag wala ka

________ 10.bagamat masakit sa akin

Para sa pagwawasto ng iyong sagot, tignan sa susunod na pahina ang Susi sa Pagwawasto.

SUSI SA PAGWAWASTO


  1. Nag-iipon ng pera si Norita. Bibili siya ng sapatos. (kaya, dahil)
  2. Sasama si Joel sa ekskursiyon. Nakaipon siya ng pera. (sapagkat, ngunit)
  3. Nag-aaral nang mabuti si Joana. Makakuha ng mataas na marka. (para, samantala)
  4. Masipag si Susan. Magalang pa. (o, at)
  5. Matatapos na ang parangal. Wala pa siya. (kapag, ngunit)
  6. Nakikinig ng musika si Reus. Nag-aral siya. (samantala, habang)
  7. Hinahanap ko ang nawawala kong tuta. Hindi ko matagpuan. (subalit, kaya)
  8. Pinakamahusay siyang sumulat ng pangulong tudling. Nabigyan siya ng tropeo. (kapag, kaya)
  9. Magiging malinis an gating barangay. Lahat tayo ay magtulong-tulong. (kung, kasi)
  10. Walang mahirap na gawa. Dinaan sa tiyaga. (upang, kapag )


PH 1. palibhasa’y ampon lang

PH 2. yumaman ka dahil sa negosyo

PM 3. maging sino ka man

PL 4. tuliro ka kaya ganyan

PL 5. kapag maibalik ko lang

PB 6. kung iiwan ka

PM 7. sasama o maiiwan

PN 8. habang gising ka pa ayusin mo na iyan

PB 9. kapag wala ka

PN 10.bagamat masakit sa akin.




















Subukan Natin Ang Husay Mo!

Lagumang Pagsubok

a. Basahin ang talata at salungguhitan ang lahat ng pangatnig na ginamit.

UGNAYAN

Ang ugnayan ay kailangan ng lahat ng tao. Kung ako’y hindi makikipag-ugnayan sa aking kapwa,mabuhay kaya ako? Kung mabuhay man ako. Mabuhay kaya ako nang matagal kung ako’y hindi makikipag-usap at makikipagtulungan sa ibang tao? Ano ang magiging halaga ng buhay kung ako’y walang minamahal at kung sa akin ay walang nagmamahal? Kung sa akin ay walang nagmamalasakit at kung ako’y walang ipinagmamalasakit?

A, tiyak, kailanagan ko ang aking kapwa. At kailangan din ako ng aking kapwa.

Ang tao ay anak ng pag-ibig. Kaya naman tayo ay binigyan ng puso na marunong dumama. Sa pamamagitan ng puso, ang ating pandama, natututuhan natin ang magtangi, ang magmahal.

Bukod sa pagmamahal natin sa pinakaiibig, nariyan ang pangkalahatang pagmamahal sa kapwa. May pananagutan tayo sa kanila. May pananagutan sila sa atin.

Sa ating pag-aaral sa paaralan ay tumatalino ang ating isip. Sa pagtalino ng ating isip, sana nama’y huwag maiwang mangmang ang ating puso. Kapag ang puso ay namalaging mangmang, hindi nating matututuhang mahalin ang ating kapwa. Ano ang magiging halaga ng edukasyon kung tayo’y walang pagmamahal sa ating kapwa?

May tao kaya na nabubuhay para sa kanyang sarili lamang? A, ang nalalaman ko, kapwa ko, mahal ko. Kapwa ko, pananagutan ko.

B. Basahin ang mga pangungusap at salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit.



  1. Kung ika’y naliligalig, tumira ka sa bukid.
  2. Tumawag ka sa Diyos kung ika’y natatakot.
  3. Wala na sila ng kami’y dumating.
  4. Kung umuulan, magdala ka ng paying.
  5. Kahit anong sabihin nila, ipagpatuloy mo ang iyong ang magandang pinasimulan.
  6. Nainip ako kaya hindi na kita hinintay.
  7. Nakita ko siya datapwat saglit lamang.
  8. Babalik kami at mamaasyal sa iyong lugar.
  9. Mahal ka niya kaya siya’y magbabalik.
  10. Kinain niya ang pagkain nang siya’y magutom.



C. Punan ng angkop na pangatnig ang bawat patlang.



  1. Nagbabasa siya_______ naghihintay.

(upang, ngunit,habang,datapwat)

  1. Kumakain tayo_______ mabuhay.

(ngunit,datapwat,upang,habang)

  1. Marahil naiiinip ka na______ ika’y umalis.

(ngunit,kaya, upang,dahil)

  1. Umalis siya_______ikaw ay galit nag alit.

(dahil, kung, ngunit,upang)

  1. Siguruhin mong lahat ay makakadalo_______ makumpleto ang kasayahan.

(datapwat, ngunit, samantalang.upang)

  1. Nakatulog siya________ nagbabasa ng alklat.

(dahil,upang, ngunit,samantalang)

  1. Aalis sana ang mag-aaral_______hindi siya pinayagan ng kanyang kapatid.

(subalit,upang, datapwat,samantalang)

  1. Nag-aaral siyang mabuti_______ makatapos ng may karangalan,

(upang,ngunit, kaya,dahil)

  1. Nakagalitan ang anak_______ sa kanyang kasalanan.

(upang,ngunit, kaya,dahil)

  1. Umalis sila ng maaga________hindi nahuli.

(habang, kaya, dahil, ngunit)

Para sa pagwawasto ng iyong sagot, tignan sa susunod na pahina ang Susi sa Pagwawasto.






















Susi Sa Pagwawasto



A.

UGNAYAN

Ang ugnayan ay kailangan ng lahat ng tao. Kung ako’y hindi makikipag-ugnayan sa aking kapwa,mabuhay kaya ako? Kung mabuhay man ako. Mabuhay kaya ako nang matagal kung ako’y hindi makikipag-usap at makikipagtulungan sa ibang tao? Ano ang magiging halaga ng buhay kung ako’y walang minamahal at kung sa akin ay walang nagmamahal? Kung sa akin ay walang nagmamalasakit at kung ako’y walang ipinagmamalasakit?

A, tiyak, kailanagan ko ang aking kapwa. At kailangan din ako ng aking kapwa.

Ang tao ay anak ng pag-ibig. Kaya naman tayo ay binigyan ng puso na marunong dumama. Sa pamamagitan ng puso, ang ating pandama, natututuhan natin ang magtangi, ang magmahal.

Bukod sa pagmamahal natin sa pinakaiibig, nariyan ang pangkalahatang pagmamahal sa kapwa. May pananagutan tayo sa kanila. May pananagutan sila sa atin.

Sa ating pag-aaral sa paaralan ay tumatalino ang ating isip. Sa pagtalino ng ating isip, sana nama’y huwag maiwang mangmang ang ating puso. Kapag ang puso ay namalaging mangmang, hindi nating matututuhang mahalin ang ating kapwa. Ano ang magiging halaga ng edukasyon kung tayo’y walang pagmamahal sa ating kapwa?

May tao kaya na nabubuhay para sa kanyang sarili lamang? A, ang nalalaman ko, kapwa ko, mahal ko. Kapwa ko, pananagutan ko.

B.

  1. Kung ika’y naliligalig, tumira ka sa bukid.
  2. Tumawag ka sa Diyos kung ika’y natatakot.
  3. Wala na sila nang kami’y dumating.
  4. Kung umuulan, magdala ka ng paying.
  5. Kahit anong sabihin nila, ipagpatuloy mo ang iyong ang magandang pinasimulan.
  6. Nainip ako kaya hindi na kita hinintay.
  7. Nakita ko siya datapwat saglit lamang.
  8. Babalik kami at mamaasyal sa iyong lugar.
  9. Mahal ka niya kaya siya’y magbabalik.
  10. Kinain niya ang pagkain nang siya’y magutom.

C.

  1. Nagbabasa siya habang naghihintay.
  2. Kumakain tayo upang mabuhay.
  3. Marahil naiiinip ka na kaya ika’y umalis.
  4. Umalis siya dahil ikaw ay galit nag alit.
  5. Siguruhin mong lahat ay makakadalo upang makumpleto ang kasayahan.
  6. Nakatulog siya ngunit nagbabasa ng alklat.
  7. Aalis sana ang mag-aaral subalit hindi siya pinayagan ng kanyang kapatid.
  8. Nag-aaral siyang mabuti upang makatapos ng may karangalan,
  9. Nakagalitan ang anak dahil sa kanyang kasalanan.
  10. Umalis sila ng maaga kaya hindi nahuli.




















NGAYON AY NATUKLASAN MO NA ANG KAHARIAN NG PANGATNIG. . .

SANA’Y MARAMI KANG NATUTUNAN SA IYONG PAMAMASYAL. . .

HANGGANG SA MULI. . .

PASYAL KA ULIT SA IBANG KAHARIAN NG WIKA. . .

MARAMING SALAMAT AT PAGPALAIN KA NG DIYOS!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento