Miyerkules, Pebrero 27, 2013







Lungsod ng Laoag



Pagsusulit sa Unang Taon

Unang Markahan



Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at bilugan ang angkop na sagot.



I. PAKIKINIG

1. Ito ay nagsasaad ng timbang o sukat.

a. dalawampu

b. isang ektarya

c. pangalawa

d. dadalawampu



2. Ito ay pang-uring pamilang na nasa uring patakaran at palansak.

a. isandaan

b. marami

c. ikalawa

d. kaunti



3. Pang-uring pamilang na nagsasaad ng pagkakasunud-sunod ng mga tao, bagay at iba pa.

a. isa

b. una

c. kaunti

d. marami



4. Kailan naipatupad ang “Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”

a. 1937

b. 1992

c. 1987

d. 1978



5. Sa unang sitwasyon, anong uri ng pananalita ang ginamit?

a. balbal

b. kolokyal

c. pormal

d. di pormal



6. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mabasa ang tula?

a. nagalit

b. naawa





c. nasiyahan

d. namangha



7. Ano ang paksa ng talata?

a. pagpapahalaga sa buhay

b. pagpapahalaga sa panahon

c. pagpapahalaga sa kalikasan

d. pagpapahalaga sa mundo



8. Bakit sinasabing ginto ang panahon?

a. katulad ito ng panahon

b. katulad ito ng buhay

c. katulad ito ng mundo

d. katulad ito ng kalikasan



9. Ano ang gustong iparating ng teksto sa mga mambabasa?

a. pagpapahalaga

b. pagtitimpi

c. pagmamahal

d. pag-aaruga



10. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mabasa ang tula ni Jerry Gracio?

a. nagalit

b. naawa

c. nasiyahan

d. namangha



Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at bilugan ang angkop na sagot.



II. PAGSASALITA



Ang maraming bayan nitong Pilipinas may sari-sariling kwento at alamat ang bayang Agono.

1 2 3 4

11. Alin sa mga nasalungguhitang parirala ang may salitang klaster.

a. 1

b. 2

c. 3

d. 4



Sa baybay ng lawa,sa bilis ng bundok,ang bayang Agono ay isang bayang tampok

1 2 3 4

12. . Alin sa mga nasalungguhitang parirala ang may salitang diptonggo?

a. 1

b. 2

c. 3

d. 4



Matatagpuan ang bahay nina Toni sa bayan ng Milagros kung saan nagsasaka sila doon.

1 2 3 4

13. Alin sa mga nasalungguhitang parirala ang may salitang diptonggo?



  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4



14. Ang isa sa _____________ namin ay ang _____________ ng ginto, pilak at tanso.

a. ikinamamatay – paghuhukay

b. ikinababagay – pagwagayway

c. ikinabubuhay – paghuhukay

d. ikinahuhukay – pagpapaypay



15.. Gamitin mo ang________ upang matawagan mo si Danny.

a. telefono

b. telepon

c.telepono

d. telefon



16. Ang probinsiya ng ________ay isa sa mga nag-iimport ng bigas sa bansa.

a. Nuweba Biskaya

b. Nueva Viscaya

c. Nueva Biskaya

d. Nueba Viscaya



17. Ang tatlong domeyn ni Bloom ay kognitib, saykomotor at ___________ .

a. apektib

b. afektib

c. afektiv

d. apektiv



18. Ang tatay ni Juan ay may sakit sa baga. Anong uri ng ponemang segmental ang may salungguhit?

a. patinig

b. katinig

c. glottal

d. diptonggo



19. Pumunta kami sa parke ng mga kaibigan ko kahapon. Anog uri ng suprasegmental ang ginamit sa salitang kahapon?

a. haba

b. diin

c. antala

d. tono



20. Ang bato ay katulad ng buhay ng tao, hindi nadadaan sa laki ang halaga nito

a. buhay

b. b.uhay

c. bu.hay

d. buhay



21. Siya ay ____________ dahil namatay ang kanyang asawa. Ang _________ ay isang palamuti sa ulo:

a. sala – bala

b. salat – malat

c. balo – belo

d. banat – panat



22. Ang mga sumusunod ay mga pares – minimal, maliban sa isa.

a. pala – bala

b. baka – baga

c. alok – alog

d. kama – tara



23. May sakit siya sa _______. Sa ________ sila nag – iigib ng tubig.

a. puso – poso

b. pasa – basa

c. iwan – ewan

d. sayaw – bayaw





24. (bahay) Taong ang bahay ay malapit lang sa inyo.

a. bahay – bahayan

b. kapitbahay

c. kasambahay

d. kabahayanan



25. (aral) Mga bagay na pinag – aaralan.

a. aralin

b. takdang – aralin

c. mag – aaral

d. tagapag – aral



26. (yaman) Taong tagapangasiwa ng salapi o yaman ng isang kompanya o organisayon.

a. mayaman

b. yamang – mineral

c. ingat – yaman

d. yamang – lupa



Alin ang sugnay na maaaring maiugnay sa naunang sugnay upang mabuo ang pangungusap?



27. Tuwing linggo ay nagsasama – sama ang pamilya ________________________________ .

a. dahil may handaan sa kapitbahay.

b. dahil manunuod ng sine.

c. upang magsimba sa bayan.

d. upang mamalengke ng ulam.



28. Si Juliet ay nagwawalis ng bakuran _____________________________________________ .

a. samantalang si Ann ay nagdidilig.

b. samanatalang si Ann ay nagkakalat.

c. habang si Ann ay naglalaro.

d. habang si Ann ay kumakanta.



29. Ang ulan ay nakakabuti para sa panananim ng mga magsasaka _______________________ .

a. subalit ang matinding pag – ulan ay higit na nakakatulong.

b. subalit ang matinding pag – ulan ay higit na kinakailangan.

c. ngunit ang matinding pag – ulan ay hindi nakakabuti para sa pananim.

d. ngunit ang matinding pag – ulan ay hindi nakakabuti para sa mga magsasaka.



30. Pumasok ako sa paaralan ng maaga ____________________________________________ .

a. upang makapaglaro ako sa klasrum.

b. upang hindi ako mahuli sa klase.

c. kaya napagalitan ako sa aming guro.

d. kaya nahuli ako sa flag ceremony.



Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at bilugan ang angkop na sagot.



IV. PAGBASA

31. Nahahagkan-hagkan ko ang mga busilak ng ulap. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?



a.nalalasap

b.nayayakap

c.nahahalikan

d.nahahawakan



32. Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na talamak sa lipunan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng kahulugan ng salitang talamak?



a.Ang ipahamak ang bayan ang dapat iwasan ng mga Pilipino.

b.Lulmalaganap sa ating bansa ang mga podukto at ugaling kanluran.

c.Tila di na kayang gamutin ang Amerikanisasyong umiiral sa bansa.

d.Totoo bang nakakahawa ang mga ugaling kanluranin?



33. Matatamasa ang minimithing pagbabago kung may pagkilos. Ang may salungguhit ay nangangahulugang?

a.matatamo

b.papanigan

c.pananatlihin

d.pagkaloob



Panuto: Basahin ang mga teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.



Pista sa Pateros II



Ang pista sa Pateros ay masaya . Anim na banda ang musiko . Ang tinugtog nila’y pulos tugtuging Pilipino.Kapag nailabas sa simbahan ang larawan ni Santa Marta, ang mga banda ng musiko ay magsasalitan ng pagtugtog ng pandanggo,tinikling,lalay at iba pa.Ang larawan ng Santa ay inilulan sa isang magandang pagoda. Gabi na kung matapos ang prusisyon sa ilog.



34. Ang mga musikero ay nagsasalitan ng pagtugtog ng pandanggo.

a. nagbibigayan

b. nagkakantahan

c. nagpapalitan

d. nagyayayahan



35. Anong uri ng teksto ang binasa?

a. narativ

b. deskriptiv

c. informativ

d. argumentative



36. Ano ang tono ng teksto?

a. naninibugho

b. nagmamalaki

c. nalulungkot

d. natutuwa





Ito ang Watawat



Ako ay watawat na sagisag ng aking bansa.Malaya akong lumilipad sa dulo ng mataas na tagdan.Nahahagkan-hagkan ko ang mga busilak ng ulap sa bughaw na papawirin.Sa tuwing iwawagayway ako ng hangin ipinaaalala ko sa lahat ang kadakilaan ng mga bayani ng aking lahi na dangal ng aking bayan.Ang bawat mamamayang Pilipino ay magtatanggol para sa aking kalayaan.Ako ang piping saksi sa sa kadakilaang ipinakita ng aking mga ninuno sa gitna ng maraming kaapihang dulot ng mga mapagsamantalang dayuhan.Ako ang tagapag-paalala na ang Pilipinas ay isang bansang marangal at ang Pilipino’y isang lahing matapang



37. Layunin ng tekstong ipabatid sa mambabasa na _____________________.

a. kilalanin ang watawat

b. ipagmalaki ang bayan

c. kilalanin ang bayan

d. ipagmalaki ang watawat



38. Anong uri ng teksto ang binasa?

a. deskriptiv

b. argumentativ

c. narativ

d. persweysiv



Pista sa Pateros II



Ang pista sa Pateros ay Masaya . Anim na banda ang musiko . Ang tinugtog nila’y pulos tugtuging Pilipino.Kapag nailabas sa simbahan ang larawan ni Santa Marta, ang mga banda ng musiko ay magsasalitan ng pagtugtog ng pandanggo,tinikling,lalay at iba pa.Ang larawan ng Santa ay inilulan sa isang magandang pagoda. Gabi na kung matapos ang prusisyon sa ilog.



39. Anong uri ng teksto ang binasa?

a. deskriptiv

b. argumentativ

c. narativ

d. persweysiv



40. Saang bahagi matutukoy ang tono ng teksto?

a. pangungusap blng. 4

b. pangungusap blng. 3

c. pangungusap blng. 2

d. pangungusap blng. 1



Magdadapit-hapon noon, kulimlim ang panahon nang may nakita si Jose na lalaking pumasok sa bahay ng kanilang kapitbahay. Nais niyang matiyak kung sino. Nindi niya ito mapagsino mangyari, walang kuryente nang halos dalawang oras. Hunanap niya ang kanyang ina upang tiyakin kung may tao sa kabila.

Nanay may tao po bas a kanilang bahay?” pabulong na tanong ni Jose.

Aywan ko anak, maghapon akong hindi lumalabas sa bahay sa dami ng mga gawain,” sagot ng ina.

Bakit, may nangyari ba?”

Kasi po may nakita akong lalaking pumasok sa bahay ni aling Sabel,”wika ni Jose

Nagtungo si Jose sa kanilang kusina at naghanap ng makakain habang walang humpay naman ang ina niya sa paglalaba.Di-nagtagal nakarinig sila ng kalabog sa kabilang bahay.Hindi nakatiis si Jose sa kanyang hinala at kahit Malabo ang paningin sa kawalan ng kuryente,pinilit niyang makalapit sa bahay ni aling Sabel.

Naku ! Ubos nang lahat ang gamit ni Aling Sabel,” nasabi niya sa sarili.Nasabi niya sa sarili.Nasabi pa niya,Kung hindi sana nag-brownout maraming makapupuna sa mga taong umakyat sa bahay ni Aling Sabel.”



41. Anong uri ng teksto ang inyong binasa?

a. informativ

b. narativ

c. ekspositori

d. instruksyunal



42. Kung ikaw ang nasa katauhan ni Jose ano ang gagawin mo pagkakita sa lalaking pumasok sa bahay ng inyong kapitbahay?

a. Hindi ko na lamang papansinin.

b. Tatanungin ko kung ano ang kailangan niya.

c. Sisigaw ako nang mananakaw!

d. Sasabihin ko kaagad sa pulis ang nakita ko.



43. Kabog! Iyan ang narinig ni May sa alitan ng kanyang kuya at ang kanyang manliligaw. Ano ang kahulugan ng ng salitang kabog?

a. nahulog

b. sinuntok

c. sinikad

d. tinampal



44. Narinig ni Ben ang Kablag! Nang iniwan niya si Sinang. Dahil sa kablag! Matatanto na _________ si Sinang.

a. nahulog

b. natakot

c. nasampal

d. nabigo



45. Boom! Iyan ang narinig ko nang papalayo ako sa bangko.

a. sumabog

b. nahulog

c. sumibol

d. pumutok



46-50. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.



  1. Linikha ni Tungkung Langit ang ulan.
  2. Linilikha ni Tungkung Langit ang lahat ng bagay.
  3. May mag-asawang diyos-diyosan na sina Tungkung Langit at Alunsina.
  4. Umalis si Alunsina at linikha ang daigdig.
  5. Dumating ang araw na nais ni Alunsinang lumikha pero pinigilan siya ni Tungkung Langit.



  1. III, II, I, IV, V

  1. III, II, IV, V, I
  2. III, II, V, IV, I



Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at bilugan ang angkop na sagot.



IV. PAGSULAT

51. Alin ang tamang baybay ng salitang xerox?

a. /eks-e-ar-o-eks/

b. /eks-i-ar-u-eks/

c. /ekz-i-ar-o-ekz/

d./eks-i-ar-o-eks/

52. Ano ang wastong baybay ng Fajardo?

a. /kapital ef-ey-zey-ey-ar-di-o/

b. /kapital ef-ey-zey-ey-ar-di-u/

c. /kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-u/

d. /kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/



53. Ano ang wastong baybay ng simbolong pang-agham na H2O?

a. /eyts-to-o/

b. /eyts-tow-o/

c. /eyts-tu-o/

d. /eyts-tu-u/



Dukhang-dukha nga si Apolinario Mabini.Ang kanyang magulang na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan ay mga maralitang magbubukid lamang sa maliit na nayon ng Papaga, Lipa.”



54. Anong katangian ng talambuhay ang taglay nito?

a. makatarungan

b. makatotohanan

c. makasarili

d. makatao



Nagawa niyang pag-alabin ang diwang nasyonalismo ng mga Pilipino. Siya ang nagpasimuno ng himagsikang gumising sa maraming nagnanais din na paglaya bagama’t hindi malaman kung paano ito isinagawa.”



55. Ang katangian ng talambuhay ng ibang tao ay_________?

a. mapaghimagsik

b. makatotohanan

c. makasarili

d. makatarungan



56-60 . Sumulat ng maikling talambuhay noong kayo’y nasa hayskul. (5 puntos)











Answer Key:



  1. B
  2. A
  3. B
  4. C
  5. C
  6. D
  7. B
  8. A
  9. A
  10. D
  11. c
  12. a
  13. a
  14. c
  15. c
  16. A
  17. B
  18. B
  19. D
  20. C
  21. C
  22. D
  23. A
  24. B
  25. A
  26. C
  27. C
  28. A
  29. C
  30. B
  31. C
  32. B
  33. A
  34. C
  35. B
  36. B
  37. A
  38. C
  39. C
  40. D
  41. B
  42. D
  43. B
  44. A
  45. A

46-50

51. D

52. D

53. C

54. B

55. D

56 – 60.