NAGKAIBIGAN
HANGGANG NAGKA-IBIGAN
Jolie_06
Araw
noon ng mga puso sumama ako sa aking kasintahan dahil gusto niya
akong ipakilala sa mga barkada niya, ginusto ko sapagkat mahal na
mahal ko siya at ganon din siya sa akin. Sa lugar na iyon umaagos na
tubig ang maririnig at nag-aawitang mga ibon. Dito makikita ang isang
talong napaganda.
Masaya
at maingay ang mga barkada niya kaya nakisabay na rin ako kahit
kakikilala ko pa lamang sa kanila at ganon din sila. Isa ang napansin
kong walang kibo sa kanila ito si Ema, tinanong ko si Abie na aking
kasintahan.
“Ganyan
ba si Ema, hindi tulad ng iba mong barkada,” tanong ko habang
kaakbay.
“Hindi
siya ganyan, nagkataon lang siguro na may iniisip siyang kanyang
kinalulungkot,” tugon sa akin ni Abie.
“
Ema, kanina ka pa na
walang kibo a. Anong problema?” tanong ng isa sa barkada nila.
“Huh!
May naiisip lang ako.” sagot niyang napangiti.
“
Si firstlove
mo noh” nakangiting biro nila.
Ngumiti
na lamang siya, at doon ko napagtanto na mahal na mahal niya yong una
niyang naging kasintahan. Sa kalaunan nawala rin ang kanyang lungkot
at nakipagsabayan na rin siya sa tawanan at biruan ng kanyang
barkada.
Napakasayang
pakisamahan ang mga barkada ni Abie, umuwi kaming nakangiti at walang
problema pero napagod lamang sapagkat malayo ang nilakad at
paglalangoy.
“
Ngayon ko lamang
naranasan ito Abie, Salamat a” Pasasalamat ko kay Abie sa
pag-imbinta at pagpapakilala niya sa akin sa kabarkada niya.
Nang
kami’y makuwi, hindi ko maalis sa isip ang mukha ni Ema habang
naglalakad at nagmunu-muni. Natanong ko, bakit siya ang iniisip ko
samantang si Abie ang mahal ko.
Makaraan
ng mga araw nagkalabuan kami kay Abie at sa sobrang galit niya sa
akin ng hindi ko alam ang dahilan ay hiniwalayn niya ako. Napakasakit
pa lang mawala ang iyong minamahal, wala man lamang akong nagawa para
ibaglaban iyon at muling ayusin. Nagpakalayo siya at nagpalit ng
numero at wala nang ugnayan sa isa’t isa.
Hindi
inaasahan nagkita kami kay Ema, doon ko hiningi sa kanya ang numero
ni Abie para pakibagbalikan, hindi naman ipinagdamot ni Ema bagkos
nagprisinta pa siyang tutulungan ako para muli kaming magkaayos ni
Abie.
Nagkaroon
muli kaming ugnayan kay Abie dahil kay Ema pero hindi na tulad ng
dati si Abie, nagbago na siya. Nakipag-ayos ako na muli naming buuin
ang mga pangarap na aming sinumpaan at pakikipagbalikan ako pero
nasawi ako at ito’y kanyang sinabi.
“Wala
na ang mga pangarap natin at hindi na iyon matutupad dahil hindi na
ikaw ang magiging kasama ko sa pagtupad ng mga iyon” masakit niyang
sinabi sa pamamagitan ng text.
Hindi
ko alam ang gagawin ko noon sa pagkabasa sa text niya. Tinawagan ko
siya agad pero mas masakit pa ang narinig ko at sinabing niya na
tigilan ko na siya dahil iba na ang mahal niya. Sa mga sandaling iyon
parang hindi na ako makahinga sa sobrang sakit pero dahil sa kanyang
kaibigan na si Ema, sinabi niyang:
“Marami
pang iba diyan, magpakatatag ka.”
Hindi
naging madali na kalimutan ang sobra kong minahal pero habang
tumatagal ay naging matatag ako. Unti-unti ko rin siyang
nakalimutan dahil sa pagdamay ni Ema sa akin na kahit wala na kami
kay Abie ay naging nagkaibgan hanggang sa nag-iba sa hindi inaasahan
ay muling tumibok ang puso ko sa kanya.
Iba
na ito? Tanong ko sa sarili. Mahal ko na si Ema pero natakot akong
ipagtapat sapagkat ayaw kong masaktan at alam kong hindi niya ako
mahal dahil kaibigan lamang ang turing niya sa akin. Mahirap na
ilihim at mahirap sabihin dahil kaibigan niya si Abie. Ayaw kong
masira ang pagkakaibigan nila at lalung-lalo na ayaw kong ipagtabuyan
ni Ema kaya inilihim ko na lamang sa kanya ang aking nararamdaman.
Nakaya
kong itago sa kanya kahit na madalas na kaming nagkikita. Pero isang
araw tinanong niya sa akin ang nararamdaman ko para kay Abie. Sa
pagtatanong niya sa akin ng ganon naglakas akong sabihin na siya na
ang mahal ko pero tulad ng inaasahan ko hindi niya tinanggap at
linayuan na ako.
“
Huwag munang
ipagpatuloy, kasi kaibigan ko si Abie” text niya sa akin.
Sa
sinabi niyang iyan, naisip ko na may nararamdaman din siya sa akin.
Pero rinespeto ko ang kanyang sinabi na magkaibigan sila ni Abie.
Makaraan
ng dalawang taon naging busy
ako sa akin pag-aaral at malamang pati rin siya. Sa hindi inaasahang
pagkakataon ay nakita ko siya pero iniwasan niya ako buti na lamang
hindi umiwas ang kasama niya, naglakas naman ako na kunin ang kanyang
numero ng cellphone.
Salamat
at binigay niya. Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan siya at
agad naman niya ito.
“Pwede
ba na makipagkaibigan muli?” tanong ko
“
Wala namang masama
kong makikibagkaibagan ka e” sagot maman niya sa akin.
Doon ko nalaman na
kahit matagal na wala kaming ugnayan ay hindi niya pa rin
nakakalimutan ang aking boses. Sobrang saya ko noon, bumalik muli sa
dati naming samahan. Magkasabay na pumupunta sa simbahan, at
nagmemeryenda. Hindi napigilan muli akong nagtapat at doon niya
sinabi ang kanyang naramdaman. Ako na yata ang pinakamasayang tao
noong marinig ko iyon at hindi ako nakapagpigil niyakap ko siya nang
pagkahigpit-higpit.
Naging
magkasintahan kame pero hiniling niya sa akin na itago naming ang
relasyon dahil natatakot siyang malaman ni Abie sapagkat magkaibigan
sila. Tinanggap ko ang kanyang disisyon. Pero isang araw habang
magkasama kame kay Ema sa simbahan hindi inaasahan na makikita naming
si Abie. Napayuko na lamang si Ema sa sobrang hiya niya sa kaibigan.
Hindi
naglaon ipinagtapat niya sa kanyang barkada na ako na ang kasintahan
niya. Pumayag naman daw sila pero si Abie ay parang nasaktan. Muli
siyang nagparamdam sa akin at tinanong bakit daw si Ema pa. sa
dami-dami pa raw ay bakit ang kaibigan pa niya.
Muli
akong naguluhan at bakit ganon ang sinabi niya. Alam ko na nasasaktan
pa rin siya pero paano si Ema. Pero naglakas akong ipagtapat kay Ema
na muling nagparamdam si Abie. Nalungkot siya at natakot na baka raw
iwan ko siya.
“
Huwag kang mag-alala
Ema sayo na ang puso ko at walang makakaagaw ito kung hindi mo ako
pakakawalan” ang pangako kay Ema.
Nagpasalamat siya sa
akin at sinabi rin niya na hindi magyayari na maagaw ako sa kanya.
“
Magpakatatag tayo sa
ano mang problemang dumatin sa atin, ikaw na ang huli kong mamahalin”
dadag ko pa sa aking pangako.
Nagging masaya an
gaming pagsasama pero may mga araw na nagkakamalabuhan kami kay Ema
pero hindi na ako papayag na humantong sa hiwalay dahil siya na ang
makakasama ko habang buhay.
Puso
nga naman walang pinipili, kung siya na talaga ayaw man ng iba ay
hindi muna kayang iwan dahil sa sobrang pagmamahal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento